A Hand For An Orphan

CRC supports children who can no longer be with their parents through the Orphan Support program. Help us provide for their basic needs and education and adopt an orphan financially. Your care counts. Read more »

Newsletter Signup

Stay informed on our latest news!

Syndicate content

Batang mandirigma' ng MILF?

MUKHANG bata nga sila. Nagmamartsa, nasa pormasyon, matikas. Bitbit ang matataas na kalibre ng baril.

Ganito ang ipinakitang bidyo ni Lt. Col. Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Army, sa midya kamakailan bilang patunay daw ng pagkakaroon ng mga "batang mandirigma" sa MILF (Moro Islamic Liberation Front). Nakuha raw ang bidyong ito sa inabandonang kampo ni Kumander Umbra Kato sa Maguindanao.

"Ipinakita ng bidyo ang mga batang lalaking Muslim na sinasanay ng mga rebeldeng MILF. Malinaw na paglabag ito sa tratado ng UN (United Nations) na nagbabawal sa mga bata na lumahok sa pakikidigma," pagbibigay-diin ni Ando.

Ang problema lang, hindi ipinaliwanag ni Ando kung paano niya nasabing nasa edad 17 pababa nga ang mga "batang" nagsasanay na maging rebelde. O kung sumasangkot nga ba ang mga "batang" nagsasanay na ito sa pakikidigma. O, kung totoo man ito, bakit nahihikayat ang mga "batang" Moro na lumahok sa MILF.

Pinaiimbestigahan ni Ando at ng AFP sa mga pandaigdigang ahensiya tulad ng UN ang MILF kaugnay ng sinasabing mga "batang mandirigma."

Pero ang hindi alam o hindi binanggit ni Ando, naglabas na ng masusing pag-aaral ang Unicef (UN Children's Fund) hinggil dito noon pang 2007.

Source: 
PinoyWeekly.org